Sunday, December 2, 2018

Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag



Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag 
(Parabula mula Italya)
ni Giovanni Boccacio
salin ni Cristina Dimaguila-Macascas

   1.   Pagkilala sa may-akda
          Sa kabila ng pag-aaral ng batas at negosyo para sa mga taon, ang interes ni Boccaccio ay natural na napunta sa tula at pagsulat. Ang kanyang pinakamahusay na trabaho ang Decameron ay inaangkin ang katanyagan para sa higit na 600 taon at may isang impluwensiya sa iba pang mga manunulat  halimbawa si  Francesco Petrarch na isinalin Decameron sa Latin. 
          Sa Italya ay kinilala bilang isang may-akda, makata, mahalagang humanista ng Renasimyento, at awtor si Giovanni Boccaccio. Isa sa parabula na kaniyang isinulat ay ang “Nakaiwas si Melchizedek sa bitag” na nagbibigay paliwanag na pantay pantay ang pagmamahal ng Diyos sa bawat relihiyon tulad ng Hudaismo, Kristiyanismo, at Islam, ipinaliwanag niya ito sa pamamaran ng pagkwento niya sa tatlong anak na kumuha ng bawat titulo, singsing at pagaari ng yumaong anak. Tulad ng nasabing parabula ay  madali siyang nakakapaglarawan ng mga karanasan at damdamin ng tao sa pamamaraang madaling maunawaan ng tao.

   2.   Uri ng Panitikan 
          Ang akdang sinuri ay isang parabula. uri ng panitikan na nagtataglay ng talinhaga at nagtuturo ng mga aral. nakatulong ang paggamit ng may akda ng simbolismo na nagtungo sa pagpapalitaw ng kagandahan ng akda. Ang aral na taglay ay nakapukaw sa mga damdamin at isipan ng mga mambabasa. 

   3.   Layunin ng akda
          Ang akda ay naglalayong magturo sa mga mambabasa na kahit anong relihiyon (Hudaismo, Krisiyanismo,at Islam) ay pantay pantay ang pagmamahal ng Diyos sa kanila kahit iba iba ang mga kultura o kinagisnan. 

   Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan

Mailalapat ang TEORYANG KLASISMO sa akda. Kahit na lumipas ang mahabang panahon hindi ito na luluma o nalalaos dahil ito’y isang parabula na nakukunan ng maraming aral.

Mailalapat ang TEORYANG IMAHISMO sa akda. Ang paggamit ni Melchizedek ng tatlong magkakapatid sa pagrepresenta sa tatlong relihiyong binanggit ni Saladin. 

Mailalapat ang TEORYANG MORALISTIKO sa akda. Ang pagkaroon ng pantay pantay na pagmamahal ng diyos sa bawat relihiyon (hudaismo,kristiyanismo,islam) kahit iba iba ang kultura at kinagisnan nito.

   4.  Tema o Paksa ng akda
          Ang tema  ng akda ay tungkol sa pagkakapantay-pantay ng mga tao sa mundo. kahit ano man ang reliihiyon mo ay iisang diyos pa rin ang sinasamba. kahit ano man ang sabihin ng iba ay lahat ng tao sa iba’t-ibang relihiyon  ay karapat-dapat na tagapagmana ng katotohanan ng diyos. 

   5.Mga Tauhan/Karakter sa akda
          Ang isa sa mga tauhan ay si Saladin. Isang sultan na naubos ang pera dahil sa halaga ng digmaan at sa kanyang kagandahang loob. Isa rin sa mga tauhan ay si melchizedek. ang mayamang hudyo na nakatira sa isang palasyo sa alexandria at ang naisipang ipahiya ni saladin upang kusan niyang iaadya ang kanyang pera. ang mga karagdagang tauhan na tumulong sa pagpapaikot ng kwento ay ang mayamang matanda at ang kanyang tatlong anak na lalaki.

   6.  Tagpuan/Panahon
          Alinsunod sa plano ni saladin na kausapin si saladin upang mahulog ito sa kanyang bitag at iaadya ng kusa ang kaniyang pera, pinuntahan niya si melchizedek sa kanyang palasyo sa alexandria at doon sila nag-usap.

   7. Nilalaman o Balangkas ng mga pangyayari
          Kapag binasa ang akda ay tinitignan ito ay makikita na tinitignan nito ang mga relihiyon ng pantay-pantay. Sa huli ay tinulungan ni Melchizedek si Saladin na kung iisipin ay di pangkaraniwan na magtulungan ang mga taong magkakaiba ng paniniwala o relihiyon katulad na lang ng Islam at Kristyanismo at iba pa. Maayos ang balangkas ng mga pangyayari at maayos naipasok ang storya sa akda na tumulong para mas madaling maintindahan ng mambabasa ang akda.

   8. Mga Kaiisipan o Ideyang taglay ng akda
  Ang mga sumusunod ay mga ideya o kaisipang nakapaloob sa tula:
      Ang mga tagasunod ng bawat relihiyon ay itinituring ang mga sarili na karapatdapat          magmana ng katotohanan ng diyos ngunit ang    pag-aangkkin ay nanatiling walang kalutasan.

                 Huwag gawing hadlang ang relihiyon para tumulong sa ibang taong may ibang paniniwala.

   9. Estilo ng pagkakasulat ng akda
          Madaling intindihin ang istorya at ang aral na taglay nito dulot ng paggamit nito ng mababaw na salita, at sa pamamagitan nito ay madaling naihatid ng akda ang mensahe ng istorya.

          Naging neutral lang ang may akda sa istorya na makikita sa akda na pantay pantay ang mga relihhiyong nasabi. 

   10.             Buod
          Ang parabula ay tungkol sa isang sultan na gustong linlangin ang isang hudyo sa pamamagitan ng isang tanong upang kusang iaadya nito ang kanyang pera. Ngunit hindi inaasahan ng sultan na makakaiwas ang hudyo sa kanyang bitag sa pamamagitan ng isang kwento. Sa huli, ang sultan ay napilitang umutang sa hudyo. Nabayaran ng sultan ang kanyang utang at sila ay naging matalik na magkaibigan.

Sinuri nila
Agustin, Darryl L.
Concepcion, Brian V.
Dela Cruz, Sheryl Andrei F.
Sombillo, Jamir Matthew M.



No comments:

Post a Comment