Tuesday, December 18, 2018

Awit ng Ina sa kanyang Panganay

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

(Sinuri nila Darryl L. Agustin at Mary Chanel Althea N. Pagaduan)

1. PAGKILALA SA MAY AKDA 

                      Ang may akda ay isang ina na nagmula sa tribo ng Lango. Ang mga Lango ay isang tribo na nakatira sa bundok ng  Didinga sa Hilagang Uganda. Sila ay naniniwala na ang kanilang supling ay imortalidad ng kanilang magulang.

2. URI NG PANITIKAN

                   “Ang Awit ng Ina sa Kaniyang Panganay” ay isang awit at tula na walang sukat at tugma at walang tiyak na numero ng taludtod sa bawat saknong. (Ito ay naka-base sa sinaling akda.)

3. TEORYANG PAMPANITIKAN

  • KLASISMO dahil patuloy pa rin ito ginagamit ng Lango sa panahong ngayon.
  • ROMANTISISMO dahil pinakita ang lubos na pagmamahal ng ina sa kanyang sanggol.
  • BAYOGRAPIKAL dahil naipakita kung paano mabuhay ang isang ina.


4. LAYUNIN NG AKDA
                     
                    Layunin ng akda na ipakita ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak at awitin para mapatulog ang isang sanggol. Nagawa rin ng akda na ipakita ang kultura ng tribong Lango.

5. TEMA O PAKSA NG AKDA

                  Pagmamahal ng ina sa kanyang anak at mga mabubuting ekspektasyon ng ina sa anak.

6. MGA TAUHAN SA AKDA

  • Ina- Ang persona o umaawit ng tula para sa kanyang anak.

  • Sanggol- Inaawitan ng Ina, siya ang ikalawang panauhin sa akda.


7. TAGPUAN O PANAHON

                        Ang Tagpuan ng Akda ay sa mga kabundukan ng Didinga sa Hilagang Uganda. 

8. NILALAMAN O BALANGKAS NG PANGYAYARI

                       Kapag binasa ang tula ay makikita na kausap ng Ina ang sanggol hanggang sa katapusan ng tula at mababakas ang kultura ng persona at ng may akda. Positibo ang mga pahayag ng persona para sa sanggol tulad ng isang pangkaraniwang ina.

9. MGA KAISIPANG TAGLAY NG AKDA

                     Mahal na mahal tayo ng ating Ina, at inaasam ng ating ina ang pinakamabuti para sa atin sa lahat ng oras.

10. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

                     Mababaw ang pagkakasalin at walang masyadong talinhaga kaya madali itong intindihin.Walang tugma o sukat ang mga taludtod sa pagkakasalin kaya parang liham lang ito na nanggaling sa ina kapag binasa.

11. BUOD
               Ang tulang Awit ng Ina sa Kaniyang Panganay ay umiikot sa labis nligaya ng ina sa pagsilang sa kanyang panganay na anak at paano ito kung lumaki o ano ang magiging buhay .


                   





No comments:

Post a Comment