Thursday, December 20, 2018

Long Walk to Freedom

LONG WALK TO FREEDOM

PAGKILALA SA AWTOR

Ang awtor ng akda ay si Meilad Al Oudt Allah. Ang sanaysay ay tumatalakay sa racism, sa akda at buhay ni Nelson Mandela.


URI NG PANITIKAN

Ito ay isang sanaysay sa kadahilanang ito'y isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.


LAYUNIN NG AKDA

Ang layunin nito ay ang mga sumusunod:
-Upang malaman natin at magising tayo sa tunay na hinaharap o dinaranas ng mga taong apektado ng racism.
-Upang maibsan na nang tuluyan ang diskriminasyon


TEROYANG PAMPANITIKAN

Ang mga Teoryang Pampanitikan na makikita sa akda ay Teoryang Biograpikal at Realismo.


TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema ng akda ay tungkol sa kalayaan at buhay ni Nelson Mandela, pagiging laganap ng diskriminasyon sa lahi at kulay.


MGA TAUHAN

Ang mga tauhang makikita sa akda ay ang mga sumusunod:

NELSON MANDELA- pinanganak noong 1918 sa maliit na nayon sa rehiyon ng transkel.

GADLA HENRY MPHAKANYISWA- pinuno ng bayan ng Mrozo; Ama ni Nelson Mandela

GOBERNADOR MQHKEZWENI- ang nagmamay-ari ng bahay kung saan pinagdarausan ng lokal na pagtitipon.


TAGPUAN O PANAHON

Ang mga pangyayaring nabanggit sa sanaysay ay nagsimula noong 1918 sa South Africa.
Nabanggit din ang mga sumusunod ng mga lugar sa akda:
-Rehiyon ng Transkei
-Bayan ng Mrozo
-Bahay ng Gobernador
-Johannesburg



BALANGKAS

Ang akda ay hindi masasabing gasgas sa kadahilanang kakaiba ito dahil halaw ito sa totoong buhay. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at madaling intindihin. Maraming mga aral ang maaaring matutunan dito dahil ang mga pangyayaring nakasaad sa sanaysay ay nangyari, nangyayari, at patuloy na nangyayari sa totoong buhay.


MGA KAISIPAN

-Ang lahat ay nararapat na makamit ang kanilang kalayaan.
-Nararapat nating pahalagahan ang kalayaang matagal na at patuloy pa nating nakakamit.
-Hindi lahat ay tunay o ganap na malaya.


ESTILO NG PAGKAKASULAT

Naging madali ang pagiintindi sa nais iparating ng awtor sa sanaysay. Walang gaanong simbolismo. Ang paksa at mga argumento ay tumpak.


BUOD

Ang buhay ni Nelson Mandela ay naging ilaw para sa mga mamamayan ng Africa. Ang kaniyang aklat na Long Walk to Freedom ang nagmulat sa lahat na mayroong natatagong Mandela sa loob ng bawat isa. Marami ring matututunan sa buhay ni Mandela tulad ng kaniyang pagsusumikap na magtrabaho noong namatay ang kaniyang ama. Noong kaya na niyang matustusan ang kaniyang pag-aaral, nagtapos siya ng Bachelor of Arts sa Unibersidad ng South Africa. Matapos ay pinamahalaan niya ang sariling kompanya ng panananggol sa Johannesburg na nagbibigay ng mababa at libreng serbisyong legal sa mga itim. Nabuhay si Mandela sa panahong iniisip ng lahat na ang mga puti ay mas nakaaangat, Na nagging dahilan upang malimutan ng lahat ang kanilang taglay na kalayaan.

Sa paglipas ng mga taon nagging mulat si Mandela sa apartheid (paghati-hati batay sa lahi) sa kaniyang baying Africa, at tinapos ang diskriminasyon.



No comments:

Post a Comment