Monday, January 28, 2019

Paglisan

PAGLISAN

1. PAGKILALA SA MAY AKDA

Chinua Achebe
-Ipinanganak noong Nobyembre 16, 1930
-Namatay noong Marso 21, 2013
-Unang nobela niya ang “Things Fall Apart” na naisulat noong 1958
-Nanalo siya ng Man Booker International prize noong 2007

2. URI NG PANITIKAN

- Nobela


3. LAYUNIN NG AKDA

-  Layunin ng akdang ito na ipakita sa mambabasa na lahat ng pag sisisi ay nasa huli at dapat pahalagahan ang buhay


4. TEORYANG PAMPANITIKAN 

- Pormalistiko
-
Marxismo
-
Humanismo


5.TEMA O PAKSA NG AKDA


- Ang paksa ng akda ay nakatuon sa mga maaaring kahihinatnan ng isang mayabang na tao. Mayroon itong mensahe na nagsasabing ang lahat ng ating mga gawain ay may kalakip na kalalabasan.

6. MGA TAUHAN


a. Okonkwo
    -isang matapang at respetadong mandirigma
    -nagmula sa lahi ng Umuofia

b. Unoka
    -ama ni Okonkwo

c. Ikemefuna
    -ang batang lalaking kinuha bilang tanda n pakikipagkasundo. Itinuring si Okinkwo bilang pangalawang magulang

d. Ogbuefi Ezeudu

    -isa sa matatandang taga Umuofia

e. Obierika
    -kaibigan ni Okonkwo

f. Ezinma
    -anak na babae ni Okonkwo

g. G.Kiaga
    -interpreter

h. G.Brown
    -lider ng mga misyonero

i. Uchendu
    -tiyuhin ni Okonkwo

7. TAGPUAN
- Sa nayon ng Umuofia


8. BALANGKAS


Ang nobelang ito ay hindi basta-basta maluluma dahil ito ay naglalaman ng maraming aral na maaaring ipagsaling-dila sa bawat henerasyon. Masasabi rin na hindi ito gasgas sapagkat ang ilang mga pangyayari sa nobela ay hindi inaasahan.


9. KAISIPAN


- Huwag magpadala sa yabang
- Nasa huli ang pagsisisi
- Huwag sumuko at mawalan ng pag-asa

10. ESTILO

- Ang paraan ng pagkakasulat dito ay laharan sapagkat ang bawat mensaheng ipinaparating nito ay hindi mahirap unawain. Nagawa rin nitong paiksiin ang orihinal na kuwento sa paraang maiintindihan pa rin ng mga mambabasa ang mga pangunahing pangyayari nito.


Friday, January 25, 2019

Ang Suwail Na Bata

ANG SUWAIL NA BATA


1. PAGKILALA SA MAY AKDA
- Para sa may akda hindi lahat ng masama ay talo, walang kinabukasan at walang patutunguhan. Pinapakita ng may akda na hindi lahat ng mabubuti ay nagiging matagumpay sa buhay katulad ng mga kwentong fiction

2. URI NG PANITIKAN
- Isa itong uri ng maikling kwento. Ang istilo ng pagsasalaysay nito ay tuluyan. Kagaya ng ibang mga maikling kuwento, ito ay nagiiwan ng aral sa isipan ng mga mambabasa. Ginamit ito bilang “wake up call” sa mga taong naniniwala na hindi maganda ang laging kinalalabasan ng mga pangyayari sa buhay sa lahat ng pagkakataon kung ikaw ay gumagawa ng masama.

3. LAYUNIN NG AKDA
- Layunin nito ipahayag sa mga mambabasa na hindi lahat ng may masamang kalooban ay nagiging malas sa buhay. Nais ng may akda na ipakita ang nangyayari sa realidad, tulad na lamang ng mga kurap na politiko na unti-unting yumayaman kahit na hindi nila ito pinaghihirapan.

4. PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN

Realismo - dahil ito ay nagpapakita ng mga pangyayari na nagaganap sa paligid at araw-araw na pamumuhay ng mga tao. 

Moralistiko – dahil ito ay nagbibigay din ng aral sa mga mambabasa patungkol sa taliwas na paniniwala sa mga kuwentong katekismo.


5. TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang paksa ng akda ay nakatuon sa mga di-mabuting tao na nagagawa pa rin na magtagumpay sa buhay. Isang halimbawa na nasabi sa kuwento ay ang mga kurap na katiwalian na yumayaman sa pandaraya at pandarambong.
6. MGA TAUHAN AT KARAKTER SA AKDA
- Si Pedro na isang suwail na bata at bida ng naturing na kwento. Nanay ni Pedro na isang ina na walang pakialam sa kung anong mangyari sa kanyang anak. Jose, kaklase ni Pedro na kabaligtaran niya ang ugali. Guro nila Jose at Pedro na ninakawan ni Pedro ng penknife at ginamit ito upang siraan si Jose.

7. TAGPUAN/PANAHON
Paaralan, Bahay ni Pedro, Ilog, sa bakuran ng kapitbahay.

8. NILALAMAN O BALANGKAS NG PANGYAYARI
- Ito ay isang kakaibang kuwento sapagkat ang estilo ng paglalahad ng mga pangyayari na nakapaloob sa istorya ay hindi katulad ng sa ibang mga maikling kuwento. Ito ay nagpapahayag din ng katotohanan na may kaugnayan sa mga pangyayari sa totoong buhay. 

9. BUOD
Ang kabuuang kaisipan ng istorya ay umiikot lamang sa isang batang nag ngangalang Pedro. Siya ay isang suwail na bata, ngunit siya ay iba sa mga batang nakikita sa mga kuwentong katekismo. Siya ay walang ina na mapagmahal, maunawain, at nakaratay sa kama at lahat ng kaniyang mga tusong gawain ay hindi nabibigyang hustisya. Sa dulo ng istorya, naging maasenso sa buhay si Pedro. Siya ay nagkaroon ng asawa at ilang mga anak at naging isang kurap na katiwalian.