Thursday, December 20, 2018

Mullah, Ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota

Mullah, Ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota

Sinuri nila: Ang, Kirsten A., Dela Cruz, Sheryl Andrei F., at Recto, Stellar Eleanor M.

1. PAGKILALA SA MAY-AKDA

       Si M. Saadat Noury, katulad ni Mullah Nassreddin, ay isa ring Iranian. Siya ay isang makata at mamamahayag. Sinulat niya ito upang ipaalam sa mga mambabasa ang sumulat ng mga unang anekdota sa Iran nasi  Mullah Nassreddin o kilalabilang MND at magbigay ng ilan sa mga nagawa nitong anekdota.


2. URI NG PANITIKAN
       
       Ang mga anekdota ni Nassreddin naSukatin Mo!” at “Sino ang iyong paniniwalaan?” ay anekdota na nagmula sa Iran. Kabilang ito sa tuluyang uri ng panitikan na naghahatid ng kakatwang o kawiliwiling pangyayari na nagaganap sa buhay ng tao

3. LAYUNIN NG AKDA
       Ginawa ang akdang ito upang maibahagi ang kanyang mga personal na karanasan sa tao na nagbibigay din ng aral sa buhay. Layunin din niyang makapagpasaya ng mga tao sa pamamagitan ng pagsulat ng mga anekdota.

   PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN :

       KLASISMO, MORALISTIKO AT BAYOGRAPIKAL

4. TEMA O PAKSA NG AKDA 
        
       Ang paksa ng mga anekdota ni Nassreddin ay puro mga katatawanan

5. MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA

  •  Ang akda ay gumamit ng ikatlong panauhan upang ipahayag ang mga kawiliwiling karanasan ng pangunahing tauhan na si Mullah Nassreddin.
  • Ang pangunahing tauhan ay si Mullah Nassreddin o kilala bilang MND.


6. TAGPUAN/PANAHON
  • Matagal na panahon na ang nakalipas.
  • Iran
  • Tea House
  • kung saan may nagtanong sa kaniya tungkol sa sentro ng kalawakan
  • Bakuran
  • kung saan sila nag-usap ng kaniyang kapitbahay na nais hiramin ang kaniyang buriko
7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
  
       Ang mga kwento sa anekdota ni Mulla Nassreddin o ni MND ay nangyari noong matagal na panahon na kaya masasasabi natin na luma na ito subalit ang mga pangyayari rito ay kakaiba sapagkat puno ng mga katatawanan na karanasan ng pangunahing tauhan. Kahit na ganoon ay kapupulutan pa rin ito ng mga aral na tumutulong sa mga mambabasa at kinaaaliwan. 

8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA


  • Lahat ng kasinungalingan ay mabubunyag  rin, kaya dapat tayong magsabi ng totoo sa lahat ng oras.

9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA


  • Masining ang pagkakalahad
  • tumatalakay sa personal na karansan at kinapapalooban ng iba’t ibang emosyon tulad ng kasiyahan, kalungkutan, pagkahiya o pagkabigo.
  • Maayos at na-iintindihan ang kwento sapagkat hindi gumamit ng mga malalalim na salita at simbolismo
  • kasiya-siya sa mga tagabasa at tagapakinig.

10. BUOD 


  •  Sukatin mo : tinanong si Mullah kung nasaan ang sentro ang kalawakan at ang sagot niya ay kung saan niya ipinukpok ang pako ng kabisada ng kanyang buriko ngunit hindi naniwala ang tao.
  • Sino ang iyong paniniwalaan: Nanghihiram ng buriko ang kapit-bahay ni MND ngunit ayaw niya itong ipahiram kaya ang sabi niya ay napahiram niya na sa iba. Ngunit narinig ng tao ang atungal ng buriko kaya sinabi nitong sinungaling ang mullah, kaya sabi ni mullah “ sino ang iyong paniniwalaan ang buriko o ang mullah”



Long Walk to Freedom

LONG WALK TO FREEDOM

PAGKILALA SA AWTOR

Ang awtor ng akda ay si Meilad Al Oudt Allah. Ang sanaysay ay tumatalakay sa racism, sa akda at buhay ni Nelson Mandela.


URI NG PANITIKAN

Ito ay isang sanaysay sa kadahilanang ito'y isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.


LAYUNIN NG AKDA

Ang layunin nito ay ang mga sumusunod:
-Upang malaman natin at magising tayo sa tunay na hinaharap o dinaranas ng mga taong apektado ng racism.
-Upang maibsan na nang tuluyan ang diskriminasyon


TEROYANG PAMPANITIKAN

Ang mga Teoryang Pampanitikan na makikita sa akda ay Teoryang Biograpikal at Realismo.


TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema ng akda ay tungkol sa kalayaan at buhay ni Nelson Mandela, pagiging laganap ng diskriminasyon sa lahi at kulay.


MGA TAUHAN

Ang mga tauhang makikita sa akda ay ang mga sumusunod:

NELSON MANDELA- pinanganak noong 1918 sa maliit na nayon sa rehiyon ng transkel.

GADLA HENRY MPHAKANYISWA- pinuno ng bayan ng Mrozo; Ama ni Nelson Mandela

GOBERNADOR MQHKEZWENI- ang nagmamay-ari ng bahay kung saan pinagdarausan ng lokal na pagtitipon.


TAGPUAN O PANAHON

Ang mga pangyayaring nabanggit sa sanaysay ay nagsimula noong 1918 sa South Africa.
Nabanggit din ang mga sumusunod ng mga lugar sa akda:
-Rehiyon ng Transkei
-Bayan ng Mrozo
-Bahay ng Gobernador
-Johannesburg



BALANGKAS

Ang akda ay hindi masasabing gasgas sa kadahilanang kakaiba ito dahil halaw ito sa totoong buhay. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at madaling intindihin. Maraming mga aral ang maaaring matutunan dito dahil ang mga pangyayaring nakasaad sa sanaysay ay nangyari, nangyayari, at patuloy na nangyayari sa totoong buhay.


MGA KAISIPAN

-Ang lahat ay nararapat na makamit ang kanilang kalayaan.
-Nararapat nating pahalagahan ang kalayaang matagal na at patuloy pa nating nakakamit.
-Hindi lahat ay tunay o ganap na malaya.


ESTILO NG PAGKAKASULAT

Naging madali ang pagiintindi sa nais iparating ng awtor sa sanaysay. Walang gaanong simbolismo. Ang paksa at mga argumento ay tumpak.


BUOD

Ang buhay ni Nelson Mandela ay naging ilaw para sa mga mamamayan ng Africa. Ang kaniyang aklat na Long Walk to Freedom ang nagmulat sa lahat na mayroong natatagong Mandela sa loob ng bawat isa. Marami ring matututunan sa buhay ni Mandela tulad ng kaniyang pagsusumikap na magtrabaho noong namatay ang kaniyang ama. Noong kaya na niyang matustusan ang kaniyang pag-aaral, nagtapos siya ng Bachelor of Arts sa Unibersidad ng South Africa. Matapos ay pinamahalaan niya ang sariling kompanya ng panananggol sa Johannesburg na nagbibigay ng mababa at libreng serbisyong legal sa mga itim. Nabuhay si Mandela sa panahong iniisip ng lahat na ang mga puti ay mas nakaaangat, Na nagging dahilan upang malimutan ng lahat ang kanilang taglay na kalayaan.

Sa paglipas ng mga taon nagging mulat si Mandela sa apartheid (paghati-hati batay sa lahi) sa kaniyang baying Africa, at tinapos ang diskriminasyon.