Sunday, December 2, 2018

Araw na may Rebolusyon

Araw na may Rebolusyon

isinalin ni Cristina Dingaguila-Macascas

Mula sa Ehipto 

Sinuri nila Kirsten Ang, Mary Chanel Althea Pagaduan, Jan Harbie Manabat, at Luis Emanuelle Perilla

1. PAGKILALA SA MAY-AKDA
       Ang may akda ng sanaysay na "Araw na may Rebolusyon" ay si Mansaura Ez-Eldin na isang nobelista mula sa Delta ng Nilo,Ehipto at ipinanganak siya noong 1976. Isinulat niya ang sanaysay upang ipaalam sa mga mambabasaangrebolusyon na nangyari noon sa Ehipto na tinatawag din na " Egyptian Revolution 2011" na kung saan ang rehimen ay diktadura at ang pamahalaan ay kurakot.

2. URI NG PANITIKAN
       Ang may akada ay gumamit ng sanaysay upang ikuwento sa mga mambabasa ang nangyaring rebolusyon sa Ehipto. Sa pagpili ng uri ng panitikan, ginamit ang sanaysay upang mailahad ang pangyayari na nais ikuwento ng awtor na may kaayusan. Ang akdang ito ay nagpapakita ng karanasan ng mga mamamayan noong sila'y nagprotesta laban sa pamumuno ni Hosni Maburak sa sinabi sa linyang "Ang mga taong nagsimula at nag-ayos ng protesta ay nangingit-ngit sa galit sa kalupitan ng mga pulis at sa labis na pahrap ng pamahalaan ni Hosni Maburak". Ang paggamit ng mga salita ay isinaalang-alang para mailahad ang nais ipahatid ng walang problema at tuwiran.

3. LAYUNIN NG AKDA
       Ang akda ay naglalayong ikuwento sa mga mambabasa ang karanasan ng may akda at ng mga tiga-Ehipto sa kanilang pagprotesta laban sa pamumuno ni Hosni Maburak at para ipaglaban ang kanilang kalayaan.

   PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN 
       Mailalapat ang teoryang sosyolhikal sa akdang " Araw na may Rebolusyon ". Ang teoryang ito ay nagpapakita na mahihinuha  sa akdang ito ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha. "Ang mga taong nagsimula at nag-ayos ng protesta ang nangingit-ngit sa galit sa kalupitan ng mga pulis at labis na nagpapahirap ng pamahalaan ni Hosni Maburak" mahihinuha natin sa linyang iyan na hindi maganda ang kalagayan ng Ehipto noon sa kamay ni Hosni Maburak dahil sa kalupitan at maling pamamalakad nito. Sa mga linyang "3000 boluntaryo ang nagkapit-bisig paikot ng museong pambansa upang pangalagaan ito mula sa pagnanakaw at paninira" at "Hindi tayo maaaring manahimik sa mga nangyari. Ang pananahimik ay krimen. Ang dumanak na dugo ay hindi dapat masayang" makikita natin na ang mga tao  ay lumalaban sa pamahalaan at sila ay nagtutulungan upang lumaban sa katiwaliang nakikita nila ngunit marami ang nagsakripisyo ng kanilang buhay para lamang marinig ang kanilang reklamo.

4. TEMA O PAKSA NG AKDA
       Ang tema ng sanaysay ay tungkool sa mga sumusunod:

  • Katapangan ng mga tag-Ehipto na lumaban at magprotesta dahil sa maling pamamalakad ng pamahalaan
  • Katatagan ng mga tag-Ehipto dahil patuloy parin sila sa kanilang layunin kahit pa sila ay masaktan.
  • Pagtutulungan para sa iisang mithiin

5. MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA
       Ang may akda ang nagsilbing pangunahing tauhan ginamitan niya ang akdang ito ng pangunahing panauhan upang mailahad ang kaniyang karanasan sa nangyaring protesta. Ang mga tauhan sa akda ay nakaranas ng paghihihrap at pagmamalupit ng mga pulis at ng pamahalaan. Ipinakita ng mga tauhan ang kanilang katapangan at katatagan para mapakinggan ng pamahalaan ang kanilang daing.

6. TAGPUAN/PANAHON
       Nabanggit sa sanaysay ang ilang mga lugar o tagpuan kung saan naganap ang pagprotesta para mapatalsik si Hosni Maburak tulad na lamang ng OLD CAIRO, TAHRIR SQUARE, DISTRITO NG COPTIC, at CORNICHE STREET. Ang pagpro-protesta ng mga tao ay naganap noong taong dalawampu't-labing isa.

7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
       Nagagamit natin ang ating imahinasyon sa pagbasa ng sanaysay na ito hanggang dulo sapagkat detalyado ang pagkakalahad ng mga pangyayari. Sinasabi rito ang nangyaring rebolusyon sa Ehipto at kung paano naging malupit ang pamahalaan sa mga mamayan nito.

8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
       Maraming ideya o kaisipang taglay ang sanaysay na tumutulong upang palalimin ang pang-unawa at magbigay aral sa mga mambabasa. Ang mga sumusunod ay ang kaisipang taglay ng sanaysay :
  • Huwag magbulag-bulagan sa katotohanan
  • Huwag matakot ipaglaban kung ano ang sa tingin mo ay tama
  • Ang pagtutulungan ay susi o daan para sa tagumpay
  • Pahalagahan ang kalayaan na ating tinatamasa ngayon sapagkat maraming tao ang nagsakripisyo upang ipaglaban ito
9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
     Madaling maintindihan ang akda sapgkat walang talinghaga at simbolismo na ginamit. Nanatiling malinaw ang pagkakasulat o pagkakalahad ng sanaysay sapagkat sunod-sunod ang daloy ng mga pangyayari kung kaya't madaling maintindihan. Mahusay ang pagkakasalaysay at dahil dito ay nailahad nang detalyado ang mga pangyayari.

10. BUOD 
       Ang sanaysay ay tumatalakay sa rebolusyong nangyari sa Ehipto at ang pagpro-protesta ng mga mamamayan nito upang ipaglaban ang kanilang kalayaan. Inilahad dito ang mga ginawang hakbang ng mga tao para ipakalat ang balita at manghikayat ng mga tao para mag-protesta sa pamahalaan, isa nga rito ang paggamit nila ng social media para ipakalat ang planong rebolusyon ng mga taga-Ehipto at dahil dito maraming mga tao ang naki-isa sa protesta. Inilahad din dito ang paghihirapna dinanas ng mga mamamayan ng Ehipto sa kamay ng pamahalaan, sila ay pinapasabugan ng mga tear gas at ang iba pa nga'y binabaril ng mga goma at ng mga totoong bala ng mga baril na ikinasawi ng maraming tao.
       












































No comments:

Post a Comment