Tuesday, December 18, 2018

Bawal ang Anak na Lalaki

PAGKILALA SA MAY AKDA
(Arnold Shepard)

  •          Award winning na manunulat
  •          Mag retell ng mga katutubong kwento          at mga tradisyunal na literatura mula        sa buong mundoo
  •          mayroong malaking koleksiyon ng mga          kwento sa internet

URI NG PANITIKAN
epiko

  •       Ang salitang epiko ay galing sa             Griyegona epos na nangangahulugang ‘     awit
  •       tulang pasalaysay na nagsasaad ng         kabayanihan ng pangunahing tauhan na     nagtataglay ng katangiang nakahihigit     sa karaniwang tao na kadalasan siya’y     buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

LAYUNIN NG AKDA
           Ang akda ay naglalayong magturo sa          mga mambabasa na lahat ng anak ay            hindi dapat itinatakwil o binabalwala          sapagkat lahat ng anak ay biyaya ng          diyos na dapat pinapahalagahan babae          man siyalalaki.

PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN

  •       KLASISMO
  •       REALISMO
  •       ROMANTISISMO


TEMA O PAKSA NG AKDA
      Ang tema ng akda ay tungkol sa pagpapahalaga sa mga anak. dahil ang bawat anak ay espesiyal at biyaya ng diyos na dapatinaaruga, pinangangalagaan at pinahahalagahan.  

MGA TAUHAN/ KARAKTER
      Ang mga tauhan ay si She-mwindo, ang datu sa nayon ng Tubondo. Si Mwindo ang sanggol na kakaiba. Si Tiya Iyarunga ang nag-alaga at nag-aruga kay Mwindo na kapatid din ni She-mwindo. Ang mga tagapayo ng datu, ang kanyang pitong asawa, mga tagapagsilbi ni iyarunga at ang mga mamamayan sa nayon ng Tubondo.

TAGPUAN/PANAHON
      Ang mga tagpuan sa epikong BAWAL ANG ANAK NA LALAKI ay sa mga nayon nina Datu She-mwindo at Iyarunga.

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
      Ang akdang ay isang epiko kung kaya’t  di mawawala ang pagiging mahiwaga o pagiging piksyonal nito ngunit madali pa din nitong naipahahayag ang gustong ipahayag ng akda. Ang mga ‘di pangkaraniwang mga pangyayari ay lalong nagbigay ng hiwaga sa akda. Maayos ang naging balangkas ng mga pangyayari at maayos naipasok ang storya sa akda na tumulong para mas madaling maintindahan ng mambabasa ang akda.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
      Ang mga sumusunod ay mga ideya o kaisipang nakapaloob sa akda:

  •  DAPAT TANGGAPIN ANG ISANG ANAK BABAE MAN O LALAKI SAPAGKAT SILA’Y BIYAYANG BINIGAY NG DIYOS.
  •   KAHIT ANO MAN ANG MANGYARI AY HINDI MAWAWALA ANG PAGMAMAHAL NG ISANG ANAK SA KANYANG MGA MAGULANG.

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
      Madaling intindihin ang istorya at ang aral na taglay nito dulot ng paggamit nito ng mababaw na salita.  Nagamit din ng maayos ng may akda ang tamanga estilo para sa mga epiko, na nagtatago ng mabubuting aral o ideya sa loob ng di pangkaraniwang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa storya.

BUOD
      Ang epiko ay tungkol sa isang datu na si She-mwindo. mayroong siyang pitong asawa at may ayaw sa kahit isang lalaking anak. Ang pampitong sanggol na ipinanganak ay lalaki na nangngangalang Mwindo na anak niya sa kanyang paboritong asawa. sa kadahilanan na ayaw niya ng lalaking anak, ginawa niya ang lahat para mawala si Mwindo. Hanggang sa napunta sa Mwindo sa nayon ng kanyang tiya kung saan siya inalagaan at inaruga. ‘di kinalaunan ay muli nagharap si She-mwindo at Mwindo. sa huli, tinanggap ni She-mwindo si Mwindo bilang isang anak.
















No comments:

Post a Comment