Sunday, December 2, 2018

Ang Kuwintas

ANG KUWINTAS
Isinalin ni Allan N. Derain
Mula sa Pransiya

  1. PAGKILALA SA MAY-AKDA
          Si Guy de Maupassant tulad ni Ginoong Loisel, ay isang klerk sa Kagawaran ng Edukasyon. Nais niyang isiwalat sa mga mambabasa ang kanyang naobserbahang mababaw na pag-uugali ng lipunan sa mga taong nakakasalamuha niya sa kanyang propesyon. 


      2. URI NG PANITIKAN

         Ang kuwintas ay isang maikling kwento mula sa Pransiya. Ito ay kabilang sa tuluyang uri ng panitikan. Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.



      3. LAYUNIN NG AKDA

         Masasalamin sa karakter ni Ginang Loisel ang hindi magandang katangiang pagtatago ng totoong pagkatao o katayuan sa buhay para lamang sa sasabihin ng ibang tao. Lumabas ang ganitong paguugali noong nais niyang magkaroon ng magarbong damit dahil ayaw niyang mapahiya sa ibang tao, pinilit niya ang kanyang kagustuhan sa kabila ng kakulangan nila sa salapi. Kasunod nito ay hindi pa siya nakuntento dahil ninais niya pang magkaroon ng kuwintas kung kaya't humiram siya na kalaunan ay kanyang nawala.

          PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN

         Natalakay sa akda ang iba't ibang uri klase ng teoryang pampanitikan na naglalayong palalimin ang nais iwang mensahe ng may akda sa mga mambabasa. Una na rito ay ang teoryang realismo, nabatid na natin na ang may akda ay may pangunahing layon na ibahagi ang kanyang mga nasaksihang paguugali ng tao sa kanyang pagtatrabaho kung saan nag-ugat ang kwento. Pangalawa ay ang teoryang moralistiko, ang akda ay may layuning ipaintindi sa mga mambabasa ang kahalagahan ng pagiging totoo sa iyong sarili at sa mga taong nakapaligid sa'yo. Naipakita ng mga karakter ang maaaring maging masamang epekto kung patuloy ang pamumuhay ng hindi totoo. Pangatlo ay ang teoryang marksismo, sa huli makikita padin ang pag angat ng tao sa lahat ng kanyang pinagdaanan, nagawang malagpasan ng mag asawa ang pagsubok na dumating.


      4. TEMA O PAKSA NG AKDA

          Ang tema ng akda ay hanggang ngayon nakikita pa rin sa lipunan ang masyadong pagpapahalaga sa mga materyal na bagay na nakita sa pangunahing tauhan ng akda.



     5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

         Ang mga tauhan at kanilang mga katangian ay produkto ng panahong kanilang pinanggalingan. Ang mga tauhan ay sina Ginang Loisel, ang isang magandang babae na naghahangad ng marangyang buhay at ang humiram ng isang kuwintas sa isang Madam Forestier na matalik at matagal nang kaibigan ni Ginang Loisel. Ang isa pang tauhan ay ang matapat na esposo ni Ginang Loisel, si Ginoong Loisel, siya ay isang klerk ng Kagawaran ng Edukasyon na nagdala ng liham ng pangungumbida sa isang piging ni Madam Georges Ramponneau.


     6. TAGPUAN/PANAHON

         Ang tagpuan ng akda ay ang bansang pinanggalingan nito, Paris, France. Ang panahon kung kailan ito sinulat ay ang panahong Belle Époque o mas kilala bilang 'Beautiful Age'. Ang panahon na ito ay mapayapa at tampok ang "fashion" kung kaya't masasalamin sa katauhan ni Ginang Loisel ang kahangaran na magsuot ng magarbong bestida at alahas sa piging.


     7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

       Ang pagkakaroon ng magandang babae na mahirap o hindi karangyaan ang buhay ay karaniwang nagagamit sa mga kuwento lalo na sa pantasya. Ang pagkakaroon ng parte na pagkatapos ng sampung taon lang niya nalaman na hindi pala ganoon kamahal ang kuwintas na binili ng kanyang asawa upang ipalit sa kuwintas na hiniram niya sa kanyang kaibigan ay kakaiba kumpara sa akda. Ang mga pangyayari mula sa umpisa hanggang sa dulo ay magkakaugnay, may pagkakaisa ang diwa, at may makukuhang magandang aral dito.


     8. MGA KAISIPAN O IDEYENG TAGLAY NG AKDA
  • Dapat matutong makuntento sa kung anong mayroon ka.
  • Kapahamakan lang ang maidudulot ng paghahangad ng labis na karangyaan.
  • Unahin ang mga importanteng bagay at hindi ang mga gusto lamang.
  • Hindi dapat magpanggap para lang sa ikagaganda ng imahe sa paningin ng iba.
  • Hindi naitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.


     9. ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA

      Deskriptibo ang estilo ng may akda na kung saan ang kuwento ay detalyadong naglalarawan. Isa rin sa estilo ng may akda ay ang Alegorya kung saan ang kwento ay nagpapahiwatig o nagbubunyag ng mga nakatagong mensahe. Kaya nitong maghain ng komplikadong mga ideya at konsepto kung saan mapapaisip ang mga mambabasa para maintindihan ito.


     10. BUOD

       Si Matilde isang babaeng hindi marunong makuntento sa buhay. Kasama ang kanyang asawa ay nagpunta sila sa isang piging suot suot niya ang hiniram niyang kuwintas sa kaibigan. Nawala ang kuwintas at naghanap silang mag-asawa ng kapero ng kuwintas. Sampung taon silang naghirap dahil sa kuwintas. Sa huli, nalaman niya na ang kuwintas pala na iyon ay hindi ganoon kamahalan gaya ng binili niya.



Sinuri nila:
Andaya, Xiaresse
Gamboa, Jei
Gamit, Valerie
Recto, Stellar

No comments:

Post a Comment