Tuesday, December 18, 2018

El Filibusterismo

El Filibusterismo
(Sinuri nina Xiaresse Anne C. Andaya, Jei Aldrindael B. Gamboa at Jamir Matthew M. Sombillo)

1. PAGKILALA SA MAY-AKDA: Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa BiΓ±an, Laguna. Nakapag tapos siya ng Basiler sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Griyego. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela Noli Me Tangere at El Filibusterismo. naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.


2. URI NG PANITIKAN: Ang akda ay isang nobela at ito ay nahahati sa 37 na kabanata.

3. LAYUNIN NG AKDA: Inilathala ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang ikalawang nobela na El FIlibusterismo para sa tatlong paring martir na GOMBURZA. Gayundin, isinulat ito upang mabigyan ng kalinawagan ang kaisipan ng mga mambabasa sa mga nangyayaring katiwalian, pang-aabuso at pagmamalupit noong panahon na iyon.

4. PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN: Mababakas sa akda ang teoryang sosyolohikal dahil ang ang akda ay nagbibigay pansin sa mundong ginagalawan ng mga karakter at konteksto nito at ang mga nagiimpluwensiya dito. Makikita rin ang teoryang klasismo dahil ito'y isang uri ng akda na kahit kailan ma'y hindi malalaos at parte na ng ating kultura. Ang huli naman ang teoryang romantisismo, mababakas sa karakter ni Simoun o ni Crisostomo Ibarra ang pagmamahal niya sa bayan niya at sa kanyang sinta na si Maria Clara na umabot na sa puntong nilamon na siya ng kanyang galit at kagustuhang maghiganti sa mga lumalapastangan dito. 

5. TEMA O PAKSA NG AKDA: Ang pangunahing tema ng nobela ay nagpapakita na ang paghihiganti ay kailanman hindi ang solusyon, mabuti man ang intensyon o masama. Naipakita ang ganitong ideya noong tanungin ni Simoun si Padre Florentino matapos masira ang kanyang plano. Nais niyang maliwanagan kung bakit hindi ang mga lumapastangan sa bansang Pilipinas ang nagdurusa at bakit nabigo ang kanyang plano. Sinagot naman siya ni Padre Florentino na maaring hindi ito kaloob ng diyos dahil ang kanyang pamamaraan ay hindi karapatdapat gawin.


6. TAGPUAN/PANAHON: Ang nobela ay isinulat ni Dr. Jose Rizal noong panahon ng mga kastila sa bansang Pilipinas kaya't masasalamin ang mga pangyayari't karanasan noong nasabing panahon. Ang El Filibusterismo ay karugtong ng naunang nobela ni Dr. Jose Rizal na pimamagatang Noli me Tangere, ang mga pangyayari dito ay itinakdang 13 na taon matapos ng Noli me Tangere at naganap parin sa Pilipinas noong panahon ng mga kastila.


7. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA:                              Marami ang mga tauhan sa nobela ngunit ang mga pangunahing tampok sa akda ay sina Simoun, isang alahero mula sa espanya, siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na may balbas at nais maghiganti sa mga espanyol; si Basilio, ang anak ni Sisa na nakakilala kay Simoun at nakaalam ng tunay niyang katauhan; at si Isagani na matalik na kaibigan ni Basilio. 

8. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI: Karaniwan na ang tema ng paghihiganti sa mga akda, katulad na lamang ng ideyang nangibabaw sa El Filibusterismo. Si Ibarra, na nagpanggap bilang Simoun ay bumalik ng bansa upang ipaghiganti ang kanyang kasintahan na si Maria Clara at upang ipaglaban ang Pilipinas laban sa mga Espanyol na patuloy na lumalapastangan sa mga Pilipino sa panahong iyon. Nagplano si Simoun ng iba't ibang mga paraan upang pabagsakin ang mga taong may kauganayan sa kanyang paghihiganti. Ang mga pangyayari ay nailahad ng maayos kahit pa ito ay karugtong ng nobelang Noli me Tangere.

9. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA: 
-Ang paghihiganti, kahit na ang layunin ay para sa kabutihan o kasamaan, ay hindi kailanman magiging isang solusyon.                                                                                                                 
-Walang maidudulot na kabutihan ang karahasan.                                                                         
-‎Hindi dapat gamitin ang mataas na posisyon o kapangyarihan upang pagsamantalahan ang mga nasa laylayan ng lipunan.

10. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA: Ang akda ay nasa anyong tuluyan na kabilang sa kategoryang nobela. Ang akda ay nakapukaw sa atensyon mga mambabasa lalo na sa panahong ito ay inilathala. Ang mga salitang ginamit ay madaling intindihin maliban na lamang sa mga ilang salitang hindi kadalasamg gamitin sa pang-araw-araw na buhay sa panahon ngayon.

11. BUOD: Matapos tumakas ni Juan Crisostomo Ibarra sa espanya sa Noli me Tangere ay siya ay naging isang mayaman na alahero. Siya'y bumalik ng Pilipinas ipang maghiganti sa mga espanyol na lumapastangan sa bansang Pilipinas. Matapos niyang malaman ang nangyari kay Maria Clara sa kumbento ay dumagdag ito sa naipong-galit ni Simoun. Nakilala niya si Basilio na ngayo'y matanda na kalaunang sumali sa kanyang mga planong rebolusyon. Inimpluwensiyahan niya ang gobyerno na gumawa ng hindi magandang mga desisyon para ito'y bumagsak. Si Simoun ay nagplano na mag-alsa at siya'y nagtago ng mga armas sa tindahan ng kanyang kaibigan. Isang araw ay nagplano si Simoun na pasabugin ang kasal ng dating kasintahan ni Isagani na si Paulita Gomez, siya'y dumalo sa kasal na may dalang regalo na lamparang may laman na pasabog. Si Isagani'y dumating upang batiin ang mga bagong-kasal ngunit natakot si Basilio para sa kaligtasan ni Isagani kaya't sinabi niya rito ang plano ni Simoun. Sa huli ay napigilan ni Isagani ang pagsabog ng kasal at nalaman ng awtoridad ang tunay na katauhan ni Simoun kung kaya't siya'y pinaghahahanap ng mga ito. Sa wakas ay nakita ni Padre Florentino si Simoun sa isang baybayin na sugatan, gutom, at pagod, bago mamatay ay tinanong ni Simoun kung bakit nabigo ang kanyang plano na tinugunan naman ni Padre Florentino.

20 comments:

  1. sobrang laking tulong, salamat ng marami.

    ReplyDelete
  2. Napaka laking tulong po nito salamat!

    ReplyDelete
  3. Sobrang nakatulong po salamat po😊😊😊

    ReplyDelete
  4. Ano ang layunin ng may akda sa kanyang pagsusuri
    A.mambabatikos
    B.pumuna
    C.pumuri
    D.magpabatid

    ReplyDelete
  5. its really helpful in our research





    ReplyDelete
  6. nice one magaling sobrang ikli
    yan ang hinahanap ko
    hahahhahahahaha

    ReplyDelete
  7. THANK YOU PO ☺️πŸ’–

    SOBRA PO ITONG MAKATUTULONG SA MGA KABATAAN LALO NA SA MGA GRADE 10 NA TINATAMAD BASAHIN ANG BUONG NOBELA.

    ReplyDelete
  8. Ang hirap maghanap ng lehitimong impormasyon tungkol dito kaya salamat dahil sobrang nakatulong itong artikulo mo/nyo. Salamat!

    ReplyDelete
  9. tysm for this, super helpful !! <3

    ReplyDelete