Tuesday, December 18, 2018

Liongo

Liongo
(Mito mula sa Kenya)
Binuod ni Marina Gonzaga-Merida
Sinuri nila: Rajni Santos at Myles Tolete


1. Pagkilala sa May-akda
      Ang mito na Liongo ay nagpasaling-dila lamang mula sa mga katutubong Swahili na naninirahan sa Silangang Africa kung kaya’t walang tiyak na awtor ng mito. Ang mito na Liongo ay nagpasaling-dila lamang mula sa mga katutubong Swahili na naninirahan sa Silangang Africa kung kaya’t walang tiyak na awtor ng mito. Ang mitong ito ay nagsisilbing kagamitan upang maibahagi sa ibang tao ang kultura ng Africa, lalo na ng mga Swahili.


2. Uri ng Panitikan
      Ang akdang Liongo ay isang mito na nagmula sa Kenya. Sapagkat ito ay isang mito, ito ay kathang isip lamang. Tulad ng ibang mga mito, tungkol din ito sa mga diyos at espiritu. Naipapakita dito ang uri ng pamumuhay ng mga Swahili.


3. Layunin ng Akda
      Layuning ng akda na magbahagi ng aral at magbigay ng aliw sa mambabasa. Nais nitong ipaliwanag na hindi dapat ibigay ang tiwala sa mga tao para sa sariling kaligtasan at dapat maging malakas o matatag sa pagharap sa mga balakid patungo sa tagumpay. Gusto rin ipakita dito ang pinagmulan ng mga tradisyon sa Africa.

TEORYANG PAMPANITIKAN
Realismo
Eksistensyalismo


4. Tema ng Akda
      Ang tema ng Liongo ay tungkol sa pagtitiwala sa mga tao, kahit sino pa man ito at kahit gaano pa man sila kalapit sa iyo. Ang pagiging matatag sa pagharap ng mga problema. Ang pagpupunyagi upang malampasan ang anumang suliraning hinaharap sa buhay.


5. Mga Tauhan sa Akda
      Si Liongo, ang pangunahing tauhan, ay may natatanging lakas at halos kasintaas ng isang higante. Siya’y hindi nasasaktan o nasusugatan ng anumang sandata. Ang tanging kahinaan ni Liongo ay ang kanyang pusod na kapag tinusok ng karayom ay kanyang ikamamatay. Ipinapakita sa katauhan ni Liongo na kahit gaano man kalakas o katatag ang isang tao, mayroon parin itong kahinaan.
     Ang ina ni Liongo na si Mbwasho ang nakaaalam tungkol sa kahinaan ng kanyang anak.
     Si Sultan Ahmad, ang pinsan ni Liongo, ang hinirang na bagong hari ng buong Pate.
     Ang anak ni Liongo na lalaki ay nalaman ang sikretong kahinaan ng kanyang ama, kaya ito ay nagtaksil at pinatay si Liongo.


6. Tagpuan/Panahon
      Ginanap ang kwento sa isa sa pitong bayan sa baybayin ng Kenya. Walang sinabing tiyak na panahon sa akda.
7. Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari
      Ang pangyayari sa mito ay masasabing pangkaraniwan sapagkat ang pagtataksil ng isang myembro ng pamilya ay kadalasan nang nagagamit sa mga akda. Normal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, madali itong intindihin at napupulutan ng aral.


8. Mga kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
     Piliin ng mabuti kung sino ang pagkakatiwalaan sapagkat kung sino pa madalas ang pinaka pinagkakatiwalaan mo ay siya pang tumatraydor sa iyo.
     •Pag-iisip ng mabuti bago gawin ang mga desisyon na maaring makaapekto sa iyong buhay.
     •Gaano ka man kalakas o katikas tignan lahat tayo’y may kahinaan.

9. Estilo ng Pagkakasulat ng Akda
      Ang awtor ay gumamit ng mga payak o madadaling salita kung kaya’t madaling naintindihan ang pinaparating ng akda. Walang mga kakaiba o hindi inaasahang pangyayari sa akda kung kaya’t madaling naintindihan ang teksto.


10. Buod
      Si Liongo ay isang bayani na may natatanging lakas at kasintaas ng isang higante. Siya ay hindi nasasaktan o nasusugatan ngunit mayroon siyang kahinaan. Sa kabutihang palad, siya at ang kanyang Ina na si Mbwasho lamang ang nakakaalam nito. Ngunit dahil sa mga taong gustong humila sa kaniya pababa at mga taong hindi dapat  pagkatiwalaan siya’y pinagtaksilan at pinaslang.

No comments:

Post a Comment