ANG SUWAIL NA BATA
1. PAGKILALA SA MAY AKDA
- Para sa may akda hindi lahat ng masama ay talo, walang kinabukasan at walang patutunguhan. Pinapakita ng may akda na hindi lahat ng mabubuti ay nagiging matagumpay sa buhay katulad ng mga kwentong fiction.
2. URI NG PANITIKAN
- Isa itong uri ng maikling kwento. Ang istilo ng pagsasalaysay nito ay tuluyan. Kagaya ng ibang mga maikling kuwento, ito ay nagiiwan ng aral sa isipan ng mga mambabasa. Ginamit ito bilang “wake up call” sa mga taong naniniwala na hindi maganda ang laging kinalalabasan ng mga pangyayari sa buhay sa lahat ng pagkakataon kung ikaw ay gumagawa ng masama.
3. LAYUNIN NG AKDA
- Layunin nito ipahayag sa mga mambabasa na hindi lahat ng may masamang kalooban ay nagiging malas sa buhay. Nais ng may akda na ipakita ang nangyayari sa realidad, tulad na lamang ng mga kurap na politiko na unti-unting yumayaman kahit na hindi nila ito pinaghihirapan.
4. PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
Realismo - dahil ito ay nagpapakita ng mga pangyayari na nagaganap sa paligid at araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
Moralistiko – dahil ito ay nagbibigay din ng aral sa mga mambabasa patungkol sa taliwas na paniniwala sa mga kuwentong katekismo.
5. TEMA O PAKSA NG AKDA
- Ang paksa ng akda ay nakatuon sa mga di-mabuting tao na nagagawa pa rin na magtagumpay sa buhay. Isang halimbawa na nasabi sa kuwento ay ang mga kurap na katiwalian na yumayaman sa pandaraya at pandarambong.
6. MGA TAUHAN AT KARAKTER SA AKDA
- Si Pedro na isang suwail na bata at bida ng naturing na kwento. Nanay ni Pedro na isang ina na walang pakialam sa kung anong mangyari sa kanyang anak. Jose, kaklase ni Pedro na kabaligtaran niya ang ugali. Guro nila Jose at
Pedro na ninakawan ni Pedro ng penknife at ginamit ito upang siraan si Jose.
7. TAGPUAN/PANAHON
- Paaralan, Bahay ni Pedro, Ilog, sa bakuran ng kapitbahay.
8. NILALAMAN O BALANGKAS NG PANGYAYARI
- Ito ay isang kakaibang kuwento sapagkat ang estilo ng paglalahad ng mga pangyayari na nakapaloob sa istorya ay hindi katulad ng sa ibang mga maikling kuwento. Ito ay nagpapahayag din ng katotohanan na may kaugnayan sa mga pangyayari sa totoong buhay.
9. BUOD
- Ang kabuuang kaisipan
ng istorya ay umiikot lamang sa isang batang
nag ngangalang Pedro. Siya
ay isang suwail na bata, ngunit siya
ay iba sa mga batang nakikita sa mga kuwentong katekismo. Siya
ay walang ina na mapagmahal, maunawain,
at nakaratay sa kama
at lahat ng kaniyang mga tusong gawain
ay hindi nabibigyang hustisya.
Sa dulo ng istorya, naging maasenso sa buhay si
Pedro. Siya ay nagkaroon
ng asawa at ilang mga anak
at naging isang kurap na katiwalian.
ano ang aral?
ReplyDelete